Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

130-libong trabaho, available na sa phil-job.net — DOLE

$
0
0
Ang website ma makikitaan ng 130,000 na job vacancies. http://phil-job.net/

Ang website ma makikitaan ng 130,000 na job vacancies. http://phil-job.net/

MANILA, Philippines – Aabot sa 130,000 trabaho ang ipagkakaloob ngayong Hunyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga jobseeker.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, maaring hanapin ng mga jobseeker ang mga bakanteng trabaho at posisyon sa phil-jobnet online job matching system.

Gayunman, pinaalalahanan ng kalihim ang mga aplikante na gumawa ng kanilang account sa phil-job net website upang madaling makapag-apply online.

Sa ngayon, mahigit sa 100-libo ang bakanteng trabaho na kinabibilangan ng salesman, call center agent, service crew, technical support staff, production o factory workers, sales clerk, customer service assistant at iba pa.

Pinayuhan naman ang sinuman na i-upgrade ang kanilang skills at kwalipikasyon at kumuha ng technical-vocational course na may kinalaman sa kanilang abilidad sa Technical Education and Skills Development Administration (TESDA). (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481