DAVAO CITY, Philippines – Posibleng simulan ngayong araw ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang imbestigasyon sa sumadsad na eroplano ng Cebu Pacific.
Pasado ala-7 kagabi nang lumabas ang ulat hinggil sa paglagpas ng eroplano sa runway habang palapag ito sa Davao International Airport mula sa Maynila.
Sa pahayag ng pamunuan ng Airline Company, tiniyak naman nitong ligtas ang 165 pasahero ng Flight 5J-971 na pinadaan sa emergency slide ng eroplano.
Sumadsad umano ang eroplano dahil sa madulas na runway bunsod ng malakas na pag-ulan.
Bunsod ng insidente, kinansela ang ilang biyahe ng eroplano papunta at pabalik ng Davao, Maynila, Cebu at Cagayan De Oro City habang hinihintay na maialis sa runway ang bumalagbag na eroplano. (Louell Requilman & Ruth Navales, UNTV News)