Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

MRT, LRT at Pasig River Ferry System, naghandog ng libreng sakay ngayong araw

$
0
0

Bukod sa MRT at LRT nagkaloob ng free rides sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay nagbigay din ng libeng sakay ang Pasig Ferry System. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nagkaloob ng libreng sakay ngayong araw ng Huwebes ang Pasig Ferry System, MRT at LRT kaugnay ng selebrasyon ng ating kasarinlan.

Simula alas 8:00 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ay libre angpamasahe ng mga pasahero sa Pasig Ferry System.

Nilinaw naman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na mula Guadalupe patungo sa tatlong istasyon lamang sa Maynila at pabalik ang biyahe ng ferry.

Ito ang biyahe mula Guadalupe patungong PUP, Escolta, Plaza Mexico at pabalik. Wala namang biyahe ang ferry mula Guadalupe patungong pinagbuhatan at pabalik.

Samantala, libre ang sakay sa MRT at LRT mula alas 7:00 ng hanggang alas 9:00 ng umaga kanina, at alas 5:00 hanggang alas 7:00 ng gabi ngayong araw.

Ikinatuwa naman ng maraming pasahero ang libreng sakay sa ferry system lalo’t ang iba ay unang pagkakakataon na makakasakay sa ferry boat.

“Siyempre masarap, maganda, first time namin makasakay…pagsamantalahan namin ang libre,” ani Emy Villasorda, pasahero.

“Para sa aming mga estudyante siyempre thankful kami kasi menos gastos sa’min,” saad ni Bernadette Dela Cruz, isang estudyante.

Umaapela naman ang maraming pasahero na sana ay mabigyan sila ng 50-percent discount sa pamasahe sa ferry system lalo na sa mga estudyante. (Joan Nano/Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481