Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

National job fair ng DOLE, dinagsa ng mga naghahanap ng trabaho

$
0
0

DOLE National Job Fair, Luneta Park, June 12, 2014. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Dinagsa ng mga naghahanap ng trabaho ang isinagawang national job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Luneta, Maynila kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan ng bansa ngayong araw.

Sa kabuoan umabot sa 4,175 job seekers ang nagtungo at nag-apply ng trabaho sa naturang nationwide jobs fair.

Sa naturang bilang, 452 sa mga ito ang pinalad ma-hire on the spot.

Ayon sa DOLE, sinamantala nila ang national holiday sam pakikipagtulungan ng 85 locale private companies, 21 overseas companies at 5 government agencies upang makapagsagawa ng jobs fair.

Mahigit sa 35 libong local and overseas job vacancies ang inilaan ngayong Independence Day para sa mga naghahanap ng trabaho.

Binigyang-diin naman ni DOLE-NCR Assistant Regional Director Nelson Hornilla na ang mga ganitong job fair ay nakakatulong upang tumaas ang employment rate sa bansa.

“Definitely, it will add up sa employment rate natin, it will definitely improve our employment,” saad nito.

Dagdag pa ni Hornilla, hindi naman dapat mawalan ng pag-asa kung hindi palaring matanggap sa kalayaan job fair dahil marami pang job fair na isasagawa sa bansa.

“Dun sa hindi makakapunta rito o hindi magkwa-qualify for employment today, they should not lose hope because ang ating mga public employment services, 17 lahat yan sa Metro Manila, fully institutionalized yan to accept job applicants and job vacancies in the private sector para matulungan nila sila sa provision ng employment,” saad pa nito. (Rosalie Coz / Ruth Navales, UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481