Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Daan-daang mga mamamayan at stake holder sa Maguindanao, pabor sa panukalang ilipat ang provincial capitol at iba pang government offices sa Buluan mula sa Shariff Aguak

$
0
0

Ang nangyaring public hearing nitong Biyernes, June 13, na pinangunahan ni Gov. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu para sa panukalang paglilipat ng kapitolyo ng Maguindanao. (ALBERT ALCAIN / Photoville International)

MAGUINDANAO, Philippines — Isinusulong ng ilang mga miyembro ng sangguniang panglalawigan ng Maguindanao na muling ilipat ang kapitolyo at mga government offices  sa munisipalidad ng Buluan mula sa kasalukuyang lokasyon nito sa Shariff Aguak.

Sa isinagawang public consultation at hearing na pinangunahan ng provincial board ng Maguindanao daan daang residente at mga stake holders ang kanilang tinanong  kung pabor na ilipat muli ang kapitolyo.

Ayon kay Governor Esmael Mangudadatu ang kaligtasan at accesibility ang pangunahing dahilan kung bakit kailangang ilipat ang seat of power ng probinsiya.

“Para sa lahat kasi may propose kami na one-stop government center na ang gagawin natin parang one-stop shop na nandun lahat ng departamento nandun ang provincial capitol… So ayaw din natin doon na madagdagan yung problema at maging risky yung buhay ng mga kasama nating nagseserbisyo sa Maguindanao,” paliwanag ni Gov. Mangudadatu.

Nakasanayan na sa Maguindanao na kung saan ang balwarte ng nanalong governador ay doon inililipat o itinatayo ang provincial capitol.

Sakaling matuloy ang paglilipat ng kapitolyo umaasa ang marami na magiging permanente na ito at hindi na ililipat pang muli.

Mula ng maging probinsya ang Maguindanao ay apat na beses ng nagpalipat lipat ang provincial capitol.

Dagdag pa ng Maguindanao Governor, “Na kung mailipat man dito, dapat ma-institutionalize ito. Pagka-iba na ang gobernador ay talagang dito na hindi na parang sasakyan na kung sino ang nakasakay doon na kung saan niya gustong pumara doon siya papara o mag-parking.”

Ikinatuwa naman ng mga proponent ng panukala ang pagsuporta ng mga mamamayan at mga stakeholders sa planong paglilipat ng kapitolyo at inaasahang sa pagbubukas ng session ng provincial board ay maipapatupad na ito sa pamamagitan ng isang resolusyon.

Pahayag ni Maguindanao Board Member Atty. Abubakar Katambak, “Yung public hearing na ito is a requirement before we can act upon on the pending ordinance or resolution. At ito ang tinitingnan natin yung support ng mamamayan. Sa nakikita natin tuluy tuloy na rin po ito.”

Ayon naman kay Maguindanao Deputy Governor Ramil Dilangalen, “ Katulad nito nagkatugma doon sa itinatakda ng saligang batas well sa tingin ko wala naming problema kagaya ng reactions ng nakakarami na talagang katanggap tanggap yung paglipat ng seat of government ng Maguindanao.”

Sa ngayon sa Munisipalidad ng Buluan nagpatayo ng governor’s sattelite office doon pansamantalang nag-oopisina si Governor  Mangudadatu.

Sa kabilang dulo naman ng probinsiya sa Datu Odin Sinsuat ang tanggapan ni Vice Governor Lester Sinsuat at mga board member habang ang mga opisina ng Provincial Agriculturist Office, Comelec at iba pa ay nasa Cotabato City naman na hindi sakop ng probinsiya ng Maguindanao. (LOUELL REQUILMAN / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481