MANILA, Philippines — Hindi na maaaring makalabas ng bansa si Senator Jinggoy Estrada, Janet-Lim Napoles, Budget Undersecretary Mario Relampagos at labing isa pang co-accused nito sa kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam na sina Paulin Therese Mary Labayen, Jhon Raymond De Asis, Rosario Nunez, Paule Lalaine, Marilou Bare, Allan Javellana, Rhododa Mendoza, Maria Julie Villaralvo-Jhonson, Victor Roman Cacal, Maria Ninez Guanizo at Romulo Revelo.
Ito ay matapos maglabas ng Hold Departure Order (HDO) ang Sandiganbayan Fifth Division sa sala niJustice Roland Jurado.
Sa text message naman ni Senador Jinggoy Estrada, sinabi nitong walang problema sa kanya ang nasabing HDO na inisyu ng Sandiganbayan dahil hindi naman sya umano lalabas ng bansa. (UNTV News)