Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga pulis, hinamon ni Purisima na gawin ang trabaho kung nais magtagal sa pwesto

$
0
0

FILE PHOTO: PNP Chief Alan Purisima (UNTV News)

MANILA, Philippines —  Hinamon ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Alan Purisima ang kanyang mga tauhan na gawin ang iniatang sa kanilang tungkulin sa bayan kung nais na magtagal sa kanilang trabaho.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Benigno Aquino III na tutukan ng PNP ang mga krimeng nangyayari sa bansa.

Sinabi ni PNP PIO Chief, P/CSupt. Reuben Theodore Sindac na isa sa mahahalagang utos ni Purisima ay ang pag-aangat ng kanilang kakayanan sa pagsasagawa ng imbestigasyon mula sa mataas hanggang sa pinakamababang sangay ng pulisya.

“I-solve niyo ang problema niyo sa inyong respective na lugar kung ano ang pinakamamalaking problema, ayusin niyo yan bago ako ang umayos nyan.”

Sinabi pa ni Sindac na kailangan ding baguhin ang istilo ng mga pulis sa pag-iimbestiga dahil maging ang mga kriminal ay iniiba rin ang paraan upang makapang-biktima.

“Ang bawat station ay dapat palakasin ang kanilang investigation capability na magkaroon din dapat kakayahan na mag-conduct ng minor processing scene,” saad pa ng opisyal.

Bukod dito, dapat din aniyang mas madalas ang gagawing checkpoint operation lalo na sa mga crime prone areas.

“Spot checkpoints hindi yung fixed checkpoints kasi ang kriminal alamm na andon na so di na sila dadaan doon, pag-aralan na mabuti lalo na yung crime prone areas.”

Nito lamang nakalipas na buwan ay sunod-sunod ang krimen tulad ng pagpatay sa may-ari ng Crown Regency Davao at sa car racer na si Enzo Pastor. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481