Halos anim na buwan mula nang ma-comatose, nagising na ang seven-time F1 Champion Michael Schumacher.
Mula sa France, inilipat na sa ospital sa Switzerland ang racing legend malapit sa kanyang tahanan.
Gayunman umapela ang kaanak ni Schumacher na bigyan muna ito ng privacy.
Nagpasalamat din ang pamilya ng car racer sa mga nagalay ng panalangin para sa mabilis na paggaling ni Schumacher.
Naaksidente si Schumacher habang nag-i-skii sa French Alps noong Disyembre ng nakaraang taon.
Tumama ang kanyang ulo sa isang bato na naging dahilan para siya ay ma-comatose. (UNTV News)