Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Patong sa presyo ng imported na bawang, sobrang taas – DA

$
0
0

Ang isang mamimili na may hawak na bawang (UNTV News)

MANILA, Philippines – Natuklasan ng Department of Agriculture (DA) na sobrang laki ang patong sa presyo ng mga imported na bawang.

Ayon kay Director Jenny Ronquillo ng High Value Crops Development Program (DA-HVCDP), wala pang P100 ang puhunan ng mga imported na bawang kaya’t ipinagtataka nila kung bakit umaabot sa halos P300 kada kilo ang presyo nito sa merkado.

“Itinanong namin sa mga nag-import dati mga P50-P60 ang landed cost of the imported garlic. So yun ang malaking katanungan din mga pinagaaralan natin na bakit umaabot ng mahigit P300 or P200 man ang halaga ng ating mga imported na garlic,” saad nito.

Sa ngayon ay pinagaaralan pa rin ng kagawaran kung itutuloy pa ang pag-angkat ng bawang dahil base sa kanilang monitoring ay marami pang supply sa mga palengke.

Kaugnay nito, dadagdagan pa ng kagawaran ang mga rolling store sa mga malalaking palengke sa Metro Manila para sa mas murang halaga ng bawang na mabibili ng publiko.

“Umiikot pa rin at dinadagdagan pa natin ng truck yung ating move ngayon na madagdagan pa ng truck para mapuntahan ang halos market dito sa Metro Manila,” pahayag pa ni Ronquillo.

Samantala, darating na sa bansa ang 200-libong metriko tonelada ng imported na bigas bago matapos ang buwan ng Hunyo.

Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, bahagi ito ng 800-libong metriko tonelada ng bigas na aangkatin ng bansa ngayong taon.

Dagdag na reserba ito ngayong lean months o panahon ng taniman.

Tinukoy naman ni Estoperez na mataas ang presyo ng palay kaya’t tumaas din ang presyo ng bigas ng mula P2 hanggang P3 kada kilo.
“Mataas kasi ang bili ng ating trader at ating mga negosyante sa ating mga magsasaka. Ngayon lang naman yan at least nakinabang yung ating mga magsasaka sa mataas na presyo,” saad nito. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481