Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Posibleng pagsasamantala sa presyo ng ibang pangunahing bilihin, binabantayan na ng DTI

$
0
0

Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr (UNTV News)

MANILA, Philippines – Wala pa ring malinaw na detalye ang Malakanyang sa sanhi ng pagtaas sa presyo ng bawang at bigas sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr, nagpupulong ngayon ang National Price Coordinating Council ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Transportation and Communications (DOTC), Department of Justice (DOJ), Department of Energy (DOE), National Economic and Development Authority (NEDA) at mga stakeholder upang pagusapan ang food supply situation at maproteksyunan ang publiko sa hindi makatuwirang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“The Department of Trade and Industry is closely monitoring prices and will strictly enforce anti-profiteering measures on retail outlets,” ani Coloma.

Una nang iniulat ng Department of Agriculture na ipinagtataka nila kung bakit umabot na sa P200 hanggang P300 ang presyo ng imported garlic gayong P50 hanggang P60 lamang ang puhunan nito kada kilo.

Ayon naman sa Malakanyang, base sa datos ng DA nito lamang Marso, umaabot sa 8,308 metric tons ang supply ng locally produced na bawang sa bansa.

Sapat na upang maabot ang demand sa bawang.

Dahil dito, sinabi ng palasyo na pati ang halaga sa merkado ng meat products at iba pang bilihin ay imomonitor na rin ng DTI.

“Ayon kay Undersecretary Dic Dimagiba ng DTI pati yung presyo ng baboy, karne yung daily food staples ay minomonitor na din nila para mapigilan ang maaaring pagsasamantala,” pahayag pa ni Coloma.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin na inaalam ng DTI at ng iba pang ahensya ng pamahalaan kung nagkakaroon ba ng artificial shortage o manipulasyon sa presyo ng mga pangunahing bilihin partikular sa presyo ng bawang at bigas. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481