FLORIDA, USA — Pasok na ang Miami Heat sa NBA Finals matapos na tambakan ang Indiana Pacers sa Game 7 ng Eastern Conference Finals sa score na 99-76 umaga nitong Martes (PHT) sa home court ng Heat.
Umiskor si Lebron James ng 32 points at may walong rebounds upang pangunahan ang Heat sa paghakbang sa kampeonato laban sa San Antonio Spurs na tinalo ang Memphis Grizzlies sa serye sa Western Conference Finals 4-0.
Nag-ambag si Dwyane Wade ng 21 points at humatak ng 9 na rebounds.
Si Roy Hibbert ay umiskor lamang ng 18 points, sumunod si David West, 14 at si George Hill, 13 points para sa Indiana Pacers.
Sisimulan ang best-of-seven championship series ng Heat at Spurs sa Huwebes, Biyernes dito sa Pilipinas.
Sa sa first quarter ng game 7, kaagad na nilamangan ng Pacers ang Heat ng anim na puntos 12-6 .
Bago matapos ang first quarter naagaw na ng Heat ang Abante at pinostehan ang Pacers ng biggest lead na 28 points 92-64 apat na minuto ang nalalabi sa sagupaan.