MANILA, Philippines – Isinugod ng mga rumespondeng rescuer sa ospital ang driver at dalawang pahinante ng isang dump truck matapos sumalpok sa poste ng kuryente sa Araneta Avenue Barangay Doña Imelda, Quezon City kaninang umaga, Biyernes.
Dinala sa East Avenue Medical Center ang driver na kinilala lang sa apelidong Logro, habang dinala naman sa UERM Medical Center ang dalawa nitong pahinante.
Kinilala ang isang pahinante na si Noel Malinaw, habang hindi naman makausap ang kasama nito dahil sa matinding injury sa tiyan.
“Matindi ang pagkakaipit ng driver eh yung kalahati ng katawan agad naman natin narescue,” pahayag ni MMDA Traffic Constable Ruben Moncatar.
Sa inisyal na imbestigasyon, may iniwasang jeep ang truck kaya dumiretso ito sa poste.
Inaalam na ng mga otoridad kung ano ang posibleng magiging pananagutan ng driver sa nangyaring aksidente. (Bernard Dadis / Ruth Navales, UNTV News)
↧
Truck na bumangga sa poste ng kuryente sa QC, 3 sugatan
↧