MANILA, Philippines — Pwersahan nang ire-repatriate ang mga Pilipinong nasa Iraq matapos itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert sa level 4.
Ibig sabihin, kailangan na ang mandatory repatriation dahil sa lumalalang kaguluhan sa Iraq.
Sakop ng crisis alert level 4 ang buong Iraq maliban na lang sa Kurdistan Region na nananatili naman sa alert level 1.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose, ipatutupad ang mandatory repatriation sa mga Pilipino sa Iraq kahit pa tumanggi ang mga ito.
Magbibigay din ng ayuda ang embahada ng Pilipinas para sa tinatayang siyam naraang Pilipino na nasa Iraq. (UNTV News)