Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dalawa sa 53 akusado sa PDAF scam, nakalabas na ng bansa — De Lima

$
0
0

FILE PHOTO: DOJ Sec. Leila De Lima (UNTV News)

MANILA, Philippines — Ipinahayag ni Justice Secretary Leila De Lima na dalawa sa 53 akusado sa pork barrel scam ang kumpirmadong nakalabas na ng bansa.

Kabilang sa mga ito sina dating Technology Resource Center Director-General Antonio Ortiz at Renato Ornopia ng JLN Corporation.

Base sa report ng Bureau of Immigration, umalis ng bansa sina Ortiz at Ornopia bago pa makapagpalabas ng hold departure order (HDO) ang Sandiganbayan.

“Dati na kasing nakaalis yun. If I’m not mistaken, they left few days before the filing of that complaint or before filing the referral to Ombudsman and since then yata yung 2 na yun hindi na bumalik,” pahayag ni Justice Secretary Leila De Lima.

Nilinaw naman ni Immigration Spokesperson Elaine Tan sa isang press statement na hindi pa pinal ang bilang na ito sapagkat hindi pa nakukumpleto ang kanilang isinasagawang beripikasyon.

“As the names itself are not sufficient to fully identify the person being checked, only half of the records have been determined to refer to the accused with certainty.”

“This may be the reason why some of the accused have zero travel records,” dagdag pa ni Tan.

Nauna nang ipinahayag ni Immigration Commissioner Siegfred Mison na posibleng sampu sa may hold departure order ay nakalabas na ng bansa.

Tiniyak naman ni Mison na 21 sa mga akusado ay narito pa sa Pilipinas kabilang dito ang tatlong senador, si Janet Lim-Napoles at mga anak na sina Jo Christine at James Christopher, Dennis Cunanan at Mario Relampagos.

Sinabi naman ni De Lima na kahit narito pa sa bansa si Atty. Gigi Reyes ay wala silang impormasyon sa kinaroroonan nito sa ngayon.

“There’s no record of here leaving the country but actually we do not really know where she is really, si Atty. Gigi Reyes. But presumed she is within the country kasi wala record of her departure from the time na makabalik sya,” saad nito.

Sa ngayon ay inaalam na ng DOJ kung saang bansa nanatili si Ortiz at Ornopia. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481