MANILA, Philippines — Maaliwalas ang mukha ni Sen. Bong Revilla nang dumating sa Camp Crame sa Quezon City bandang ala-1:10 ng hapon mula sa Sandiganbayan.
Idiniretso ito sa PNP Multi-Purpose Hall sakay ng puting sport utility vehicle (SUV).
Sa Multi-Purpose Hall, isinagawa ang booking process kabilang dito ang pagkuha ng physical examination, medical examination, booking at finger printing at mug shoot.
Binigyan din ng pagkakataon ang pamilya ni Revilla na makausap ang senador sa loob ng Multi-Purpose Hall habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.
Base sa resulta ng physical at medical examination ni Revilla, nasa 140 over 90 ang kanyang blood pressure dahil sa pagod.
80 beat per minute ang pulse rate, 20 cycle per minute ang respiration at normal ang mga vital signs.
Ang general assessment ay no external sign of physical injury by the time of examination.
Umabot ng halos dalawang oras bago ito inilabas sa Multi-Purpose Hall kung saan idinaan sa gilid at isinakay sa mobile patrol patungo ng custodial center.
Mahigpit naman ang ipinatupad na seguridad sa loob ng Camp Crame. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)