MANILA, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na nagpapatupad ng mas pinahigpit na panuntunan sa pag-iisyu ng lisensya at bilang ng baril na maaaring ipangalan sa isang tao.
Sa ilalim ng batas, kailangang Filipino citizen na nasa edad 21, may trabaho at walang rekord ng kasong kriminal ang maaaring mag-apply ng lisensya.
Kailangan ding malinaw na ipahayag ng nais makakuha ng lisensya sa pamamagitan ng dokumento kung bakit niya kailangan ng baril.
Sasailalim din ito sa isang gun safety seminar.
Ang sinumang mapatutunayan sa reklamong illegal possession of firearms ay papatawan ng apat hanggang anim na taong pagkakakulong sa ilalim ng nasabing batas. (UNTV News)