Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagong theme song ng UNTV, malapit ng mapakinggan

$
0
0

Sina Shanne Velasco (L) at si Beverly Caimen (R) habang nirerecord ang bagong theme song ng UNTV na may titulong “Maaasahan Mo” para sa ika-sampung anibersaryo ng UNTV, Your Public Service Channel (UNTV News)

MANILA, Philippines — May bago na namang awit na sasabayan ang ating mga kasangbahay dahil nai-record na ang bagong theme song ng tinaguriang Your Public Service Channel, UNTV.

Ang bagong theme song na may titulong “Maaasahan Mo” ay komposisyong muli ng isa sa director ng UNTV na si Lito De Guzman at inareglo naman ng musical director na si Jason Quitane.

Sa ganda ng melodiya at mensahe ng kanta, na-enjoy nang husto ng mga singer nito na sina Klasrum host Shanne Velasco at ASOP interpreter Beverly Caimen ang naturang recording.

“Ako na naman po ulit ung kakanta ng UNTV theme song, ang ganda po talaga nung song, talagang sabi ko nung napakinggan ko pag-aaralan ko talaga ‘to,” saad ni Shanne.

“Lahat po ng nasa lyrics totoo po na yun yung ginagawa ng UNTV sa buong Pilipinas at sa buong mundo po,” pahayag naman ni Beverly.

Nakapaloob sa lyrics ng naturang theme song ang mga dahilan ng pagiging public service TV station ng UNTV sa nakaraang sampung taon.

Unang nagkaroon ng theme song ang UNTV na may titulong “The Promise” noong ikalawang taong selebrasyon ng istasyon.

Inawit ito ni Kuya Daniel Razon at ng international r&b singer na si Keith Martin.

Sinundan ito ng fast beat genre na “Kasangbahay” na sinulat at inawit ni Krist Melecio.

Sumunod naman ang “Kasangbahay ng Batang Pilipino” noong 2011 sa ika-pitong anibersaryo ng istasyon bilang pagpapahalaga sa mga kabataan.

“Tahanan Mo, Tahanan Natin” naman ang nabuo noong ika-walong taon ng UNTV noong 2012 para naman sa buong pamilya.

At noong isang taon, ang “Bagong Community” naman ang nalikha na nakasentro sa buong komunidad para sa ika-siyam na taon ng pagiging public service channel ng UNTV.

Abangan ang live rendition nina Shanne at Beverly ng “Maaasahan Mo” sa ikalawang araw ng selebrasyon ng UNTV Big 10 sa World Trade Center, Pasay City.

“Mas pinaganda, at talagang pinaghirapan po namin ito na kantahin mula sa puso namin, sana po sa lahat ng makakapakinig ay magustuhan po nila,” nakangiting pahayag ni Shanne Velasco. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481