Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Kasambahay Law, epektibo na

$
0
0
Sa ilalim ng batas, bukod sa itinakdang minimum wage ay kinakailangan na ring bigyan ng benepisyo tulad ng Social Security System (SSS) at Philhealth ang mga kasambahay. (JAMES VERCIDE / Photoville International)

Sa ilalim ng Domestic Workers Act, bukod sa itinakdang minimum wage ay kinakailangan na ring bigyan ng benepisyo tulad ng Social Security System at Philhealth ang mga kasambahay. (JAMES VERCIDE / Photoville International)

MANILA, Philippines – Epektibo na  ang Republic Act 10361 o ang batas na magbibigay-proteksyon at dagdag na benepisyo para sa mga kasambahay.

Sa ilalim ng batas, bukod sa itinakdang minimum wage ay kinakailangan na ring bigyan ng benepisyo tulad ng Social Security System (SSS) at Philhealth ang mga kasambahay.

Bunsod nito, bubuksan ng SSS ang lahat ng kanilang sangay tuwing araw ng sabado sa buong buwan ng Hunyo upang magbigay-daan sa mga kasambahay na magpaparehistro.

Ayon kay Aurea Bay, ang head ng Branch and System Procedures ng SSS, mag-iisyu ang lahat ng kanilang tanggapan ng SSS number para sa mga domestic worker, at household employer ID numbers para sa kanilang mga amo mula Hunyo 8, 15, 22 at 22.

Hinihikayat ang lahat ng mga kasambahay na samantalahin ang panahong ito para makapag-parehistro.

“Dahil dito sa batas kasambahay, maraming employer ang magiging aware sa obligasyon nila sa kanilang mga kasambahay, at para marami na ring mga kasambahay na may time na makapag pa rehistro sila, pahayag ni Bay. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481