Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga residenteng naapektuhan ng 7.0 na lindol sa Port-au-prince, Haiti noong 2010, benepisyaryo ng feeding program ng UNTV katuwang ang MCGI

$
0
0

Ang ilan sa mga benepisyaryo ng isinagawang feeding program sa Haiti (UNTV News)

PORT-AU-PRINCE, Haiti — Bakas pa rin sa ilang lugar dito sa Haiti ang epekto ng 7.0 na lindol noong January 12, 2010.

Ilan sa nawalan ng tirahan ay hanggang ngayon nandito pa sa Tent city ng Delmas 31.

Apat na taon na ang nakalipas ng mangyari ang malakas na lindol sa Haiti ngunit marami pa rin ng mga residente nito ay hindi pa nakakabangon mula sa malaking trahedya na ikinasawi ng mahigit dalawang daang libo at ikinasira ng maraming tahanan at gusali.

Hanggang sa ngayon libo-libo paring residente sa dito Port-au-prince angnaninirahan sa iba’t ibang Tent city na itinalaga ng gobyerno.

Problema rin hanggang sa ngayon ng mga residente ang tubig at elektrisidad.

Kaya naman, upang mabigyan ng kaunting kasiyahan ang mga residente dito sa pangunguna ni Mr.Public Service Kuya Daniel Razon, kasama ang Members Church of God International (MCGI) sa pangunguna naman ni Brother Eli Soriano, ang UNTV Haiti ay nagsagawa ng feeding program para sa mga taga-Delmas 31 Tent city dito sa Port-au-prince.

Marami sa mga pamilya dito hirap pa rin sa buhay at umaasa sa mga rasyong pagkain kaya naging isang malaking tulong sa kanila ang libreng pagkain na handog ng UNTV.

Ilan sa  inihandang pagkain ng ating mga volunteer ay ang jirikole with poulfrit o red beans rice na may repolyo, karot, saging, patatas na paboritong putahae ng mga taga-Haiti.

Laking tuwa naman ng mga benepisyaryo sa ating isinagawang feeding program.

Maliban sa ating mga kababayan na naging kamalasakit upang lingapin ang mga biktima ng lindol, sumuporta rin ang ilang Hatian volunteer para mapakain ang kanilang kababayan.

Samantala nagpasalamat naman ang pamunuan ng Filipino community dito sa Haiti dahil sa tulong na naipaabot ng istasyon sa mga nangangailangan. (Jensen Sobrejuanite, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481