Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagsasapubliko ng NBI report kaugnay sa kaso ni ex-MRT GM Al Vitangcol, ihihingi muna ng permiso sa pangulo

$
0
0

Si Al Vitangcol, and dating MRT General Manager Al Vitangcol (UNTV News)

MANILA, Philippines  – Hihingi muna ng permiso si Justice Secretary Leila De Lima kay Pangulong Benigno Aquino III bago ilabas ang resulta ng isinagawang pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa sinasabing pangongotong ni dating MRT General Manager Al Vitangcol sa Inekon.

Batay sa akusasyon, nagtangka umanong humingi ng $30 million si Vitangcol sa naturang kumpanya kapalit ng pag-aaward sa kanila ng kontrata para sa pagbili ng mga bagong bagon ng tren.

Sinabi ni Sec. De Lima na matapos irekomenda ng Ombudsman ang imbestigasyon sa dating MRT general manager at sa negosyanteng si Wilson De Vera kauganay ng umano’y extortion try ay kukuha naman siya ng permiso mula sa pangulo para maisapubliko ang NBI report.

Una nang itinanggi ng dalawa ang mga akusasyon laban sa kanila. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481