Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mobile app para sa Pasig River ferry system, inilunsad ng MMDA

$
0
0

Ang mobile app ng Pasig River Ferry System na inilunsad ng MMDA para sa mga Android devices ngayong araw ng Biyernes (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw ng Biyernes ang Pasig River app para sa android devices.

Maaari itong ma i-download ng libre gamit ang inyong mga cellphone.

Maglalaman ang application ng mahahalagang impormasyon gaya ng ruta at halaga ng pasahe sa ferry, mga balita hinggil sa Pasig ferry, ferry station locator, mapa ng mga istasyon, picture gallery at twitter feeds mula sa MMDA.

Sa malapit na hinaharap ay magkakaroon na rin ng app para sa mga IOS device.

Samantala, bukas na para sa publiko ang Sta. Ana ferry terminal sa Maynila, ito ang ikaanim na ferry terminal sa Pasig River ferry system.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, magiging malaking tulong ito para sa lahat ng naiipit ng traffic papuntang Makati at Maynila.

“Ang Sta. Ana kasi iba dun sa mga nabuksan na kasi yung interconnectivity dito napakaganda, jeep papuntang  Asmena, jeep may connectivity sa Makati central business district, makakapunta ka ng Ayala, Buendia, Maynila so nakita natin ito dapat ang main hub.”

Ang iba pang ferry terminal ay matatagpuan sa pinagbuhatan Pasig, Guadalupe Makati, Escolta at PUP sa Maynila, at Plaza Mexico sa Intramuros, Maynila.

Mag-o-operate ito mula ala-6 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi, mula Lunes hanggang Linggo araw-araw.

Batay sa fare matrix, P30 ang magiging pamasahe kapag short distance travel gaya ng mula Pinagbuhatan hanggang sa Guadalupe, habang P50 naman ang pamasahe kung mula Pinagbuhatan Pasig hanggang sa pinakahuling istasyon sa Plaza Mexico sa Intramuros Maynila.

Ayon sa MMDA, 600 hanggang 800 mga pasahero ang sumasakay araw-araw sa mga ferry terminal station.

Sa kasalukuyan ay mayroon pa ring 6 hanggang 7 ferry boat ang magooperate ngunit sa kalaunan ay madadagdagan pa ito kabilang na ang mga ferry boat na may aircon. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481