Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Former TRC Dir. Gen. Dennis Cunanan, hiniling sa Sandiganbayan na makaalis ng bansa

$
0
0

FILE PHOTO : Former Technology Resource Center Director General Dennis Cunanan (UNTV News)

MANILA, Philippines —  Ikinatwiran ni Dennis Cunanan, former Technology Resource Center Director General ang pagdalo niya sa Juniors Chamber International o JCI Conference sa Japan at America sa kanyang mosyon na makabiyahe palabas ng Pilipinas. Si Cunanan ang kasalukuyang World Secretary General ng JCI.

Kahapon ng umaga, Martes, ay dininig ng 5th division ang kanyang kahilingan na magtungo sa Japan sa July 7 to 15 at sa Amerika, mula July 20 to August 3.

Ngunit, ipinawi-withdraw ni 5th Division Chair Justice Roland Jurado ang naunang isinumiteng motion to travel abroad ni Cunanan at pinagsusumite ng bago at magkahiwalay na mosyon  dahil hindi sila makapagbibigay ng ‘continuous travel abroad grant’.

Bukod pa rito, ipinadedetalye rin ng mga justice sa mosyon kung saan partikular na gagawin ang mga conference na dadaluhan ni Cunanan maging ang mga lugar kung saan ito mamamalagi sa Japan at sa America.

Inaasahan naman na sa Biyernes maglalabas na ng resolusyon ang korte sa mosyon ni Cunanan na makabiyahe abroad.

Kasama sa si Dennis Cunanan sa mga sinampahan ng graft charges dahil umano sa pagkasangkapan sa TRC, sa maanomalyang paggamit ng pondo ng pork barrel ng mga mambabatas, sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Isa ring provisional state witness sa ilalim ng witness protection program ng Department of Justice si Cunanan.

Samantala, ngayon naman ay nakatakdang dinggin sa 3rd division ng Sandiganbayan ang motion to travel abroad at motion for arraignment ni Cunanan bilang co-accused ni Senador Enrile sa graft charges. (Rosalie Coz, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481