MANILA, Philippines — Ipaliwanag ni PNP Chief Director Alan Purisima ang isyu ng pagpapatayo ng official residence ng PNP Chief sa loob ng Camp Crame kung hihilingin ng senado.
Ang tinitawag na whitehouse ay ang ipinagawang quarters na umano’y nagkakahalaga ng 25 million pesos.
Ayon kay PNP-PIO Chief P/C Supt. Reuben Theodore Sindac, handa itong harapin ng PNP upang malinawan na rin ang mga nakapaloob sa isyu.
“We welcome the opportunity offered by Sen. Grace Poe to be able to air our side.”
Nauna nang nilinaw ng spokesperson to the Chief PNP na si P/S Supt. Wilben Mayor na pawang mga donasyon lamang ang materyales sa ipinagawang official residence ng PNP Chief na nagkahalaga ng 12 million pesos taliwas sa balitang 25 million pesos.
“It is not true that it is ₱25M. It is around base on estimate is ₱12M in form of donated materials and services of benevolent persons & organizations.”
Ayon kay Mayor, ang perang ginamit sa pagpapatayo ng quarters ay donasyon ng mga kaibigan ng PNP Chief at hindi nagmula sa gobyerno.
Iginiit pa ng opisyal na hindi naman mako-konpromiso ang trabaho ng mga pulis sa pagtanggap ng donasyon mula sa mga tumulong upang maitayo ang bagong quarters ng pinuno ng pambansang pulisya. (Lea Ylagan, UNTV News)