Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagsusulong ng modernisasyon sa hukbong himpapawid upang lalong mapalakas ang pagtatanod sa teritoryo ng Pilipinas, tututukan ni Pangulong Aquino

$
0
0

Ang pagmamartsa ng Philippine Air Force sa anibersaryo nito na ginanap sa Clark Airbase Pampanga kahapon, Hulyo 1, 2014 (UNTV News)

MANILA, Philippines —Highlight ng anibersaryo ng Philippine Air Force kahapon ng umaga, araw ng Martes, sa Clark Airbase Pampanga ang pagpapakita ng mga asset ng hukbong himpapawid.

Nag-flyby  ang  tatlong S-211 jets, tatlong C-130 Hercules, isang F-28, dalawang F-27 Fokker, tatlong N-22 Nomad, dalawang OV-10 Bronco bombers at iba.

Ayon kay Pangulong Benigno Aquino III, bilang bahagi ng modernization program ng pamahalaan sa Philippine Air Force may mga darating pang makabagong kagamitan ngayong taon bukod sa labindalawang FA-50 fighter jets mula sa South Korea.

“Inaasahan din natin dumating ang natitirang labingpitong Huey helicopter ngayong taon. Dagdag pa rito, target nating bumiling walong combat utility helicopter, dalawang long range patrol aircraft, 6 close air support aircraft at mga radar system at iba pang kagamitan na magpapaunlad sa inyong kakahayahan.”

“Sa paglapag ng sarili nating FA-50 sa ating bakuran, muli nating magagawang ipagtanggol ang ating teritoryo sa mas epektibong paraan.”

Sinabi rin ng pangulo na patuloy ang ginagawa ng pamahalaan upang hindi na maulit na kahit pambili ng flying suit ay wala pa ang Philippine Air Force.

“Minsan nga po, nabanggit sa akin ng inyong dating commandant na si General Larry Dela Cruz na maski pambili ng flying suit ng ating mga piloto hindi pa masuportahan ng estado. Kaya naman napipiliting bumili ang mga kasapi ng air force sa mga lugar tulad sa Dau sa Pampanga o Quiapo sa Maynila. Hindi na po natin hayaang maulit pa ito.”

Sa pagtatapos ng programa, pinasalamatan ng pangulo ang hanay ng hukbong himpapawid dahil sa ginawang  pagresponde sa mga nakaraang kalamidad. (Nel Marobojoc, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481