Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sugatang lalaki na nahulog sa puno sa QC at dalawang lalaking sugatan sa isang vehicular accident sa Cebu, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isa sa mga biktima ng vehicular accident sa Cebu kaninang madaling araw, Hulyo 3, 2014 (UNTV News)

Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isa sa mga biktima ng vehicular accident sa Cebu kaninang madaling araw, Hulyo 3, 2014 (UNTV News)

MANILA, Philippines — Halos hindi na makagalaw ang isang lalaki dahil sa pananakit ng balakang matapos itong mahulog sa puno ng santol sa Project 8 Quezon City, alas-dos ng hapon kahapon.

Rumisponde ang UNTV News and Rescue Team sa biktima dahil sa isang tawag ng isang concerned citizen.

Kinilala ang biktima na si Randy Guillermo. Namimitas ng bunga ng santol si Guillermo nang malalaglag sa puno.

“Bale po umakyat po sila ng puno, bunga ng santol tapos may kinapitan na sanga na marupok kaya na out of balance po siya”, pahayag ni Gary Guillermo, kapatid ng biktima.

Matapos malapatan ng paunang lunas, isinugod ng grupo sa Philippine Orthopedic Center si Guillermo upang mabigyan ng kaukulang atensyong medikal.

Samantala, isang motorsiklo ang bumangga sa isang SUV sa San Carlos Dela Montana St., Mabolo, Cebu city, pasado alas-dos kaninang madaling araw.

Bali ang buto sa ilong ng driver ng motor at nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng ulo at kamay.

Kinilala ang driver na si Celso Sarry, dalawampu’t limang taong gulang na taga-Univel, Banilad, Cebu city.

Nagtamo naman ng mga galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang angkas nito na si Raymond Kinasak-an, dalawamput tatlong taong gulang.

Agad na nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang biktima at dinala sa Cebu City Medical Center upang masuri ng mga doktor.

(Translated) “Itong subaru nakapasok na. Itong motor, di natin alam kung nakainom ng alak dahil pagdating ko wala na”, ani Benjie Matellano, traffic enforcer supervisor.

Patuloy pa na iniimbestigahan ang nangyaring aksidente. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481