MANILA, Philippines – Naglatag na ng mga kondisyon ang Taiwanese authorities bago tanggalin ang freeze order sa pagkuha ng mga Filipino worker.
Gayunman, sinabi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Amadeo Perez na hindi pa niya maaaring isapubliko kung ano ang mga ito hangga’t wala pang napagkakasunduan ang dalawang panig.
Sa ngayon ay mayroon nang 6,000 visa application ang hindi naipoproseso dahil sa freeze order bunsod ng nangyaring insidente sa Balitang Channel noong Mayo 9 na ikinasawi ng Taiwanese fisherman na si Hung Shih-Chen. (UNTV News)