Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pilipinas, most prepared sa mga kalamidad ayon sa ulat ng World Bank

$
0
0

FILE PHOTO: Magkatuwang na inilikas ng PNP-Davao at mga local rescuers ang mga kababayan nating binaha sa isang barangay sa Davao City sa nangyaring flash flood nitong buwan ng Enero 2013. (DOMINIC ZAFRA /PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Nangunguna ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia Pacific na laging handa sa mga kalamidad batay sa ulat ng World Bank.

Bukod sa Pilipinas, kabilang rin ang Thailand, Indonesia, Japan at Malaysia sa mga bansang laging handa kapag may kalamidad.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Eduardo Del Rosario na patunay lamang ito na epektibo ang ginagawang paraan ng pamahalaan kaugnay sa pagresponde sa mga sakuna at kalamidad.

“That is a very encouraging report of the World Bank. Categorizing the Philippines as the one as the most prepared countries. This can be attributed to the preparation conducted nationwide not only by the council but all the member agencies and the Local Government Units.”

Lumabas rin sa ulat ng World Bank ang banta ng mga matitinding kalamidad sa mga urbanized area pagdating ng 2025.

Kabilang naman sa mga siyudad na may mataas na tsansa na magkaroon ng kalamidad ang Maynila, Cebu at Davao kung saan posibleng umabot sa multi-bilyong dolyar ang halaga ng magiging pinsala.

Dahil dito, sinisikap nila na magkaroon ng early warning system ang bawat komunidad para maagang maabisuhan sa mga paparating na sakuna.

Sinabi ni Del Rosario na magpapatuloy ang mga programa ng pamahalaan hanggang sa maging handa ang mga mamamayan sakali’t magkaroon ng sakuna o kalamidad sa kanilang lugar.

“As we progress there is more people to go to that city in that urban area because of their livelihood. So, we have to really prepare and we are doing this in stages.” (Ley Ann Lugod & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481