MANILA, Philippines — Plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na taasan ang multa sa mga tumatawid sa hindi tamang tawiran o mga jaywalker.
Magiging limang daang piso na ang multa mula sa dating dalawang daang piso.
Babaguhin na rin ang disaster lecture na ibinibigay sa mga jaywalker.
Dadag pa rito, lahat ng mahuhuli ay kailangan ng magbigay ng kanilang serbisyo na maglinis ng tatlong oras sa mga kanal at estero.
Magkakaroon pa ng pagpupulong ang Metro Manila Council bago tuluyang maipatupad ang mga pagbabago sa anti-jaywalking law. (Mon Jocson, UNTV News)