Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malacañang, iginiit na hindi itinatago ang listahan ng mga proyekto sa ilalim ng DAP

$
0
0

Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Jr. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Posibleng ilabas ng Malacañang ang listahan ng mga proyektong ginastusan sa ng Disbursement Acceleration Program o DAP funds matapos ang labinlimang araw na ibinigay ng Korte Suprema upang mag-file ng motion for reconsideration.

“The office of the solicitor general received the decision on July 4, 2014 under the rules of the court the government as respondent is given 15 days from the receipt of the decision within which to file a motion for reconsiderations. So there’s a continuing study the decision including the legal options that maybe taken”, pahayag ni Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Jr.

Ayon kay Coloma, hindi pa napapanahon na ilabas ang DAP list projects ng sangay ng ehekutibo dahil wala pa silang legal na posisyon sa naging ruling ng Korte Suprema na unconstitutional ang DAP.

“Sa aming palagay, hindi pa napapanahon na usisain o siyasatin o himay himayin yung iba’t ibang mga proyekto dahil bahagi iyan noong desisyon itself and we would like to be able to framed first our legal position.”

Noong December 2013, batay sa datos ng Department of Budget and Management, mahigit 136 billion pesos ang DAP available fund sa ilalim ng 2011 at 2012 National Budget. Ito ay upang mapondohan ang sinasabing high-impact priority projects ng administrasyong Aquino sa nasabing mga taon.

Una na ring sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na ilan sa napuntahan ng DAP fund ay doppler radar system at pagtatayo ng mga school building.

Sa kasalukuyan, ayon sa Malacañang, hinihintay rin nila ang ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation kaugnay ng umano’y misuse sa pondo ng DAP na ibinigay sa ilang senador. (Nel Maribojoc, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481