Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Kuya Daniel, pinasaya ang mga manonood sa exhibition game rematch ng UNTV Cup 2 Finals

$
0
0

(Left-Right) Isang masayang tagpo sa pagitan nina veteran sports analyst Sev Sarmenta, Kuya Daniel Razon at PBA Legend Ronnie Magsanoc sa umpisa ng rematch ng Team Executives at Team Legislatives nitong Martes, Hulyo 08, 2014 sa Smart-Araneta Coliseum bilang bahagi ng UNTV Cup 2 Finals Game 3.  Ilang minuto bago ipasok ni Team Executives Head Coach Boycie Zamar si Mr. Public Service ay nagsilbing game commentator si Kuya Daniel kasama ang dalawang mga icon sa Philippine basketball. (KRISTINE LEIGH DOMINGO / Photoville International)

MANILA, Philippines — Dumagundong ang Smart Araneta Coliseum sa hiyawan dahil sa mainit na bakbakan sa hard court sa exhibition game rematch sa pagitan ng executive officials at legislators.

Marami rin ang nasorpresa at natuwa sa paglalaro ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon para sa Team Executives.

“We really appreciate it na we’re able to give entertainment to the audience inspite na talagang hindi naman tayo mga basketball players. Awa ng Dios, nakaraos naman. (It turned out to be) a very exciting game.” — Kuya Daniel Razon (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

Kabilang sa mga naglaro sa Team Executive sina TESDA Director General Secretary Joel Villanueva, Presidential Security Group Lieutenant Commander Paul Anthony Yamamoto, Deputy Director for Administrative Services Rafael Ragos at Vice Mayor Francisco Zamora.

“Enjoy na enjoy ako dito, tulad ngayon yung exhibition game samasama kami as public servants, and one thing in common is yung serbisyo at ito ang klarong klarong gustong ipahatid ng UNTV Cup,” ani TESDA Secretary Joel Villanueva.

“All praises kami sa UNTV Cup sa leadership, first of a kind ito sa Pilipinas at sa gobyerno,” saad naman ni PSG Lt. Comander Paul Anthony Yamamoto.

Kabilang naman sa mga sumalang sa hardcourt para sa Team Legislators sina Senator Sonny Angara, Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas, Palawan 1st District Representative Franz Alvarez, Iloilo 5th District Representative Niel Tupas Jr., Albay 1st District Representative Edcel Lagman at CIBAC Partylist Representative Sherwin Tugna. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

Ayon kay Senador Angara, ngayon pa lang ay inaabangan na nila ang season 3 ng UNTV Cup.

“We can’t wait para mag-umpisa ulit ang UNTV Cup season 3.”

“I think mas lalong magiging masaya, mas maraming manonood at mapapakita natin yung UNTV bilang public service station,” ani Iloilo Rep. Niel Tupas.

“Unang una mas marami pang matulungan ang UNTV Cup, si Bro. Eli Soriano at Bro. Daniel gayun din ang UNTV na mga Pilipino,” pahayag naman ni CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna. (Rosalie Coz / Ruth Navales, UNTV News)

Masayang pakikipagkamayan nina Kuya Daniel at ng mga lawmakers na lumahok sa exhibition game. Hindi lang ang mga manonood ang nag-enjoy sa paglalaro sa UNTV Cup 2 Finals Game 3 kundi pati ang mga manlalaro. (REY VERCIDE / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481