MANILA, Philippines — Isa sa mga nakikitang opsyon ng Department of Education (DepED) sa mga mag-aaral na nahuli sa enrollment ang Home Study Program (HSP) o pag-aaral sa bahay.
Sa ilalim ng HSP, sa bahay na lamang mag-aaral ang isang estudyante sa pamamagitan ng isang module mula sa DepED.
Isang beses lamang sa loob ng isang linggo magkikita ang estudyante at guro para sa monitoring at ilang mga pagsusulit
Pero nilinaw ng DepED na hindi sapilitan ang paggamit sa naturang programa.
Ayon kay DepED-NCR Director Luz Almeda, kailangan pa rin ang dayalogo o pag-uusap ng mga magulang ng estudyante at ng eskwelahan.
“Kasi yun na lang ang solusyon natin, pero hindi sapilitan, kapag late ka sa enrollment siyempre first come first serve nauna na yung iba, eh kung wala na tayong calssroom, kung 55 above iba na yung ating solusyon diyan.”
Ayon sa tala ng DepED-NCR, sa Quezon City pa lamang ay sampung libo na ang nag enroll sa HSP.
Karamihan dito ay mga nagtatrabaho, may sakit, may kapansanan at mga nahuli sa enrollment. (Grace Casin & Ruth Navales, UNTV News)