Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

#UNTVCup2Championship, nag-trending sa Twitter

$
0
0
Ang pag-trend No. 1 ng #UNTVCup2Championship sa Philippine trend ng Twitter (UNTV News)

Ang pag-trend No. 1 ng #UNTVCup2Championship sa Philippine trend ng Twitter (UNTV News)

MANILA, Philippines — Eksakto 12:47 ng tanghali nitong Martes, nang mag-trending sa social network na Twitter ang official hashtag na #UNTVCup2Championship.

Pagpatak ng 2:10pm, pang-apat na ito sa Philippine trend. At sa 2:53pm naman ng umakyat ito sa pangatlong pinaka-pinaguusapan ng mga netizen.

At pagsapit ng 4:21pm nakuha nito ang number 1 sa Philippine trending topics.

Nakatawag din ng pansin sa mga kasangbahay ang tweet ni Bro. Eli Soriano na “Sama-sama tayo sa paggawa ng mabuti sa pagpapaalam sa madla ng tungkol sa dating basketball league na may puso para sa kapwa tao — ang UNTV Cup!”

Ilang oras matapos ang event, bandang ala-una beinte uno ng madaling araw ay pumasok pa rin sa Top 5 pa ng Philippine trend ang #UNTVCup2Championship.

Tiyak namang aabangan ng mga kasangbahay ang Season 3 ng UNTV Cup para sa mas pinalawak pang public service.

“Sa mga kasambahay natin, i-expect natin na sa susunod na season 3, lahat po ng team magiging competitive na po. Wala na pong blow out game as much as possible. Hindi mo malalaman kung sino mananalo at kung sino matatalo matapos ang laro,” pahayag ni UNTV Cup 2 Commissioner Atoy Co. (Rosalie Coz / Ruth Navales, UNTV News)

Ang tweet message ni @BroEliSoriano kaugnay ng #UNTVCup2Championship. (UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481