Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Brazil, nagluluksa sa pagkatalo laban sa Germany, 7-1

$
0
0

(Left-Right) Ang pagdiriwang ni Miroslav Klose ng Germany matapos maka-score ng isang goal kontra Team Brazil sa 2014 World Cup semi-finals na ginanap sa Mineirao stadium sa Belo Horizonte nitong Julyo 08, 2014 sa naturang bansa. Nagwagi ang mga Aleman sa labanang ito na nagdala naman ng kalumbayan sa mga players ng team Brazil tulad ni David Luiz at sa buong bansa na rin nila.(REUTERS/MARCOS BRINDICCI)

SAO PAULO, Brazil — Nagluluksa ang buong Brazil matapos talunin ng bansang Germany ang host country sa semi-finals ng World Cup 2014 sa score na 7-1.

Sa unang 18 minuto, naungusan na agad ng Germany ang Brazil, 5-0.

Humina ang depensa ng koponan ng Brazil dahil sa pagkawala ng team captain na si Thiago Silva at pagka-injure naman ng forward na si Neymar.

Ang apat na goals ng Germany ay nagmula kina Andre Schurrle at Toni Croos.

Ito ang pinaka-grabeng pagkatalo Brazil sa international competition na huling nangyari noon pang 1920.

Dahil sa panalo, umusad ang Germany sa finals at hinihintay na lamang ang resulta ng semifinals match ng The Netherlands at Argentina. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481