CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines — Sumailailim sa isang emergency response training ang mga volunteer ng UNTV-Cagayan De Oro News Team bilang pagtugon sa adbokasiya ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon na “Tulong Muna Bago Balita”.
Pinangunahan ito ng Oro Rescue Trainors sa ilalim ng City Disaster and Management Office ng Cagayan De Oro City.
Ayon kay Allan Porcadilla, Administrative and Training Officer ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, napakalaking tulong sa kanila ang rescue group ng UNTV lalo na sa panahon ng kalamidad.
Inihalimbawa pa ni Padilla nang manalasa ang Bagyong Sendong na maraming tao ang namatay at mga nasirang ari-arian.
“May makakatulong na kami, salamat kay Bro. Daniel na nag-initiate ng ganitong grupo.”
Kabilang sa mga itinuro sa training ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring mangyari, paglalapat ng paunang lunas sa iba’t ibang uri ng injury, pagsasagawa ng CPR at marami pang iba.
Inaasahan na ang susunod na ibabahagi ng Oro Rescue Trainors sa UNTV volunteers ang water rescue.
“The City Disaster Risk Reduction and Management Office of Cagayan De Oro City would like to greet Kuya Daniel Razon and to UNTV on your 10th anniversary, I know that the UNTV summit has a great significance to you,” pahayag ni CDRRMO Col. Mario Verner S. Mon. (Weng Fernandez / Ruth Navales, UNTV News)