Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bureau of Plant Industry, nagpalabas ng special quarantine order para sa pagbibyahe ng mga prutas na infested na rin ng Cocolisap

$
0
0

Naghihigpit na ang Bureau of Plant Industry sa mga prutas na binibyahe na apektado na rin ng cocolisap tulad ng lansones at mangosteen (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hinigpitan ng Bureau of Plant Industry o BPI ang pagbibiyahe sa mga prutas na infested narin ng coconut scale insect o Cocolisap.

Bukod sa niyog ay napepeste narin ngayon ng Cocolisap ang lansones at mangosteen na tinatayang mahigit sa 500 libong puno na ang napipinsala.

Ayon kay Dr. Clarito Baron ng Department of Agriculture (DA), bahagi ng special quarantine order na inilabas ng BPI ay ang paglalagay ng 14 na checkpoint na nakakalat sa mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas at Quezon.

Susuriin sa checkpoint ang mga pumapasok at lumalabas na mga prutas at plant materials.

Kapag infested ang ibinibyahe ay susubukan itong idaan sa treatment procedure o kaya’y kukumpiskahin at susunugin.

“Kapag may nakitang peste, ipababalik yan dun sa pinagmulan o di kaya, ito ay iti-treat i-spreyan ito ng cochin spraying material o kaya ito ay idedestroy.”

Payo ng BPI sa mga magbibyahe ng prutas, kumuha muna ng permiso sa Municipal Agriculture Office upang matiyak na  walang Cocolisap ang ibibiyaheng produkto.

Ayon sa DA, malaki ang potensyal sa pandaigdigang merkado ng mangosteen.

“Ang mangosteen ngayon ay hindi lamang kinakain bilang isang prutas kundi ito’y isa ring medicinal plant”, ani Baron.

Sa balintawak market ay nagtaas na  rin  ang presyo nito.

“Mura lang yan dati. Bentahan namin dito 80 lang isang kilo niyan, minsan 70. Ngayon 120”, pahayag ni Criseldo Vargas na isang tindeo ng mangosteen.

Bukod sa mangosteen at lansones, may mga ulat narin na pati mangga, saging, at abokado ay mayroon na rin cocolisap.

Kamakailan lang ay nagpalabas ng protocol ang Department Of Science And Technology (DOST) at ang Philippine Coconut Authority kung paano mapupuksa ang pesteng nakaapekto na sa libo-libong puno ng niyog. Sa pagkakataong ito ay pag-aaralan naman nila ang para sa iba pang prutas na infested narin ng Cocolisap.

“For other trees, pag-aaralan naman the concentration and the amount that is to be injected and pag-aaralan din yung residual when is it safe na”, saad ni DOST Sec. Mario Montejo. (Rey Pelayo, UNTV  News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes