LAGUNA, Philippines — Ang lalawigan ng Laguna ay isa lamang sa mga probinsya sa CALABARZON region na halos taon taon ay nakakaranas ng matitinding pagbaha dahil sa pag-apaw ng Laguna Lake.
Kung kaya naman, upang mabawasan ang mga pinsalang nararanasan sa lugar, lalo na ang pagkawala ng buhay tuwing may kalamidad, sumasailalim sa tatlong araw na basic life support at first aid training ang mga empleyado ng Laguna Provincial Office sa Laguna Sports Complex.
Ang training ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDDRMO).
“Preparation na rin po dahil malawak ang Laguna. Para na rin sa kapitolyo, mayroon na rin tayong responder. Bawat office, kung tatawag pa po sila sa office natin makakakonsumo pa yung ng oras. Kahit simpleng BP lang atlist matutunan nila pagbibigay ng CPR and rescue”, ani PDRRMO Assistant Operation Manager Aldwin Cejo.
Sinasanay din ng PDRRMO ang mahigit isang libong pulis at mga barangay officials sa lalawigan. (Sherwin Culubong, UNTV News)