CAVITE, Philippines — Hinigpitan ng Dasmariñas Police Office ang pagbabantay sa mga pangunahing lansangan sa siyudad dahil sa pagtaas umano ng insidente ng drag racing sa probinsya.
Ito ay dahil sa dumadami ang mga sumbong na nakararating sa kanilang tanggapan ukol sa drag racing sa kahabaan ng Aguinaldo hi-way.
Bukod sa maganda ang naturang kalsada, madalang din itong daanan ng mga sasakyan.
“Binigyan naming sila ng instructions na i-monitor niyo ang mga pangyayaring ganoon. Pinapatupad ngayon ang round the clock check point 24/7”, ani Deputy Chief of Police – Dasmarinas Police Sation P/C Insp. Joel Saliba. (Nath Arciaga, UNTV News)