CEBU CITY, Philippines — Hindi muna makapag-ooperate ang yellow submarine underwater tour na nasa Hadsan Beach sa Barangay Agus sa Lapu-lapu City.
Sinuspinde ang operasyon ng underwater submarine matapos na masagi ng antena ang nakahimpil na pumpboat noong July3.
23 pasahero ang sakay ng submarino ng mangyari ang insidente. Wala namang inulat na nasaktan sa pangyayari.
Ayon kay Lapu-lapu City Administrator, Teodulo Ybanez, sinuspinde nila ang business permit ng yellow submarine dahil lumabag ito sa kasunduan.
Ipinatigil na rin ang operasyon ng yellow submarine matapos na mabahura at masira ang corals sa karagatan ng Kontiki sa Maribago, Lapu-lapu city noong Abril ng nakaraang taon. (Naomi Sorianosos, UNTV News)