EDMONTON, Canada — Isa sa tinaguriang highest paid athlete ngayong 2014 ayon sa Forbes Magazine ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao.
Nakilala rin siya sa buong mundo dahil sa pagiging una at nag-iisang eight division world champion, kaya naman ang angking galing niya ay nagiging inspirasyon ng mga boxers sa Pilipinas, maging sa Edmonton, Canada.
Kagaya na lang ng isang boxer na ating nakilala na si Suki Keo na isang professional boxer sa super lightweight division.
Ayon sa kanya, ang boxing champ ang kanyang nagiging inspirasyon sa kanyang bawat ensayo at sa bawat laban niya.
“He’s very powerful man, in the sense of leadership and influence. He keeps me going to the gym everyday. When I’m running at home on my treadmill, I watch his fights and it motivates me.”
Hindi lang ang mga galaw at kilos ni Manny ang nais niyang tularan. Maging ang boxing apparel at shoes ni Manny Pacquiao ay tinatangkilik niya.
Ayon kay Suki, ang pagsusuot ng sapatos ni Pacquaio ay sumisimbolo ng kanyang paghanga sa liksi at bilis ng mga paa ni Manny.
Katulad ng kanyang idolo, ang mga kinikita niya sa kanyang pagboboxing ay ibinibigay nya sa boxing alberta charity upang makatulong sa iba pang mga amateur boxers
“You guys are blessed to have a man like Manny, representing your country and influencing so many people. I wanted to do same with my friends and my community. That’s why I’m putting my money to amateur boxing and fight to raise money and I want to be a positive influence on people as well.”
Umaasa si Suki na makikita niya sa malapit na hinaharap ang kanyang hina-hangaang Filipino boxer. (Jay Moreno, UNTV News)