MANILA, Philippines — Pinapayuhan ng pamahalaan ang mga Pilipino sa Gaza Strip na lumikas dahil sa patuloy na kaguluhan doon.
Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level 3 sa mga lugar na apektado ng sagupaan ng Israel at mga rebeldeng Hamas.
Sa ilalim ng alert level 3, ipinatutupad ang voluntary repatriation sa mga Pilipino.
Sasagutin ng gobyerno ang gastos pauwi ng Pilipinas ng mga boluntaryong lilikas.
Samantala, nakataas naman ang crisis alert level 1 o precautionary phase sa West Bank at southern at central Israel bagama’t inaabisuhan pa rin ang mga Pilipino doon na mag-ingat at maging mapagmatyag.
Handa na rin ang embahada ng Pilipinas sa Cairo, Tel Aviv at Amman naumasiste sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong. (UNTV News)