Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Petisyon laban sa tuition increase, ibinasura ng Korte Suprema

$
0
0
FILE PHOTO: Supreme Court (UNTV News)

FILE PHOTO: Supreme Court (UNTV News)

MANILA, Philippines — Wala nang magiging sagabal sa panibagong pagtaas ng matrikula ng mga pribadong kolehiyo at unibersidad matapos i-dismiss ng Korte Suprema ang petisyon laban dito.

Ayon sa korte, walang merito ang petisyon na inihain ng mga grupo ng mga estudyante at kabataan sa pangunguna ng Kabataan Party-List dahil premature pa ito.

Wala rin umanong pang-aabuso sa kapangyarihan sa panig ng Commission on Higher Education (CHED) nang aprubahan nito ang pagtaas sa matrikula at iba pang bayarin sa mahigit 350 na mga pribadong kolehiyo at unibersidad.

Bukod dito ay depektibo rin umano ang petisyon at hindi ito dumaan sa tamang proseso dahil dapat munang umapela sa CHED ang mga petitioner bago iniakyat sa Korte Suprema ang usapin. (Roderic Mendoza & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481