DAVAO CITY, Philippines – Balik na sa normal ang operasyon sa Davao International Airport simula kagabi.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Deputy Director General Captain John Andrews, muling binuksan ang operasyon sa airport bandang alas-otso kagabi matapos maialis ang eroplano ng Cebu Pacific na sumadsad sa runway noong Linggo ng gabi.
Ayon kay Andrews, nahatak na mula sa runway ang eroplano sa tulong ng airlines engineering company na inarkila ng Cebu Pacific mula sa Singapore.
Sa anunsyo naman ng Cebu Pacific, inaasahang maibabalik na sa normal ngayong araw ang biyahe ng kanilang mga eroplano sa Davao na idinivert sa General Santos City.
Ang airbus ng Cebu Pacific naman na nagkakahalaga ng 40-milyong dolyar ay posibleng hindi na maaaring gamitin matapos ang pangyayari.(UNTV News)