Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Gigi Reyes, isinugod sa ospital dahil sa paninikip ng dibdib

$
0
0

Philippine Heart Center facade (UNTV News)

MANILA, Philippines — Isinugod sa Philippine Heart Center si Atty. Gigi Reyes noong Biyernes ng gabi matapos makaramdam ng matinding pananakit ng dibdib.

Alas-9 ng gabi ng dumating ito sa Philippine Heart Center at agad isinailalim sa cardiac examination.

Hindi pa man dinirinig ng Sandiganbayan ang mosyon ni Reyes na mula sa Taguig-Pateros General Hospital ay ilipat sa mas malaking ospital.

Napilitan ang mga doktor nito na dalhin sa heart center dahil hindi na umano tumatalab ang mga gamot na ibinibigay sa kaniya ng doktor.

Biyernes ng umaga hindi nabasahan ng sakdal sa Sandiganbayan si Reyes dahil hindi ito pinahintulutan ng kanyang doktor dahil sa kanyang kondisyon.

Una nang sinabi ni Sandiganbayan 3rd Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma na itinakda na sa Martes July 15 ang pagdinig sa mosyon ni Reyes. Subalit magdedepende pa rin ito sa magiging kalagayan ni Reyes.

Aniya, anumang oras ay maaari naman siyang ilipat sa mas malaking ospital lalo na kung kailangan nang mabigyan ng atensyong medikal.

“Depende kasi, I cannot speak sa magiging kalagayan ni Atty. Reyes from now until then ng Tuesday but one thing is clear that the lawyer of Atty. Reyes filed a motion to allow her to transfer to a bigger hospital is set for hearing this Tuesday July 15.”

Samantala, sa Martes ng hapon tuloy ang pagdinig ng korte.

Ipinatawag nito ang cardiologist at medical director ng Taguig Pateros General Hospital upang kumpirmahin sa mga doktor kung kailangan talagang manatili sa mas malaking ospital si Reyes.

Hindi pa naman masabi ni Atty. Pulma kung ang kasalukuyang kondisyon ni Reyes ay maaaring magresulta na upang i-hospital arrest ang akusado.

Si Reyes at dating chief of staff ni Senator Juan Ponce Enrile na ngayon ay kasama sa inakusahang nakinabang sa multi-billion pork barrel scam.

Nahaharap ito ngayon sa kasong plunder at graft sa Sandiganbayan bilang kapwa akusado ng nina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon Bong Revilla Jr. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481