Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Brazilian football fans, dumagsa sa World Cup final match kahit natalo ang kanilang koponan

$
0
0

Ang pagdagsa ng Brazilian football fans upang saksihan ng tagisan ng Team Germany at Team Argentina sa FIFA World Cup 2014 sa venue nito Brazil. (UNTV News)

SÃO PAULO, Brazil — Sa kabila ng pagkatalo ng Brazil kontra sa The Netherlands, dumagsa pa rin ang libu-libong Brazilian fans sa final match ng FIFA World Cup upang panoorin ang championship match sa pagitan ng Germany at Argentina.

Bagama’t fourth place lamang ang Brazil sa standing ng mga koponan, tila hindi ito nakaapekto sa festive mood ng football fans.

Ayon sa ilang fans, bigo man ang kanilang sariling koponan na makuha ang ika-anim na kampeonato, sadyang mahal ng mga Brasileiro ang larong football at pinili pa ring panoorin ang pagtatapos ng pinaka-inaabangang torneyo.

“Ah, I think Brazil has the potential to win the next World Cup, unfortunately this World Cup now I believe it was negligence on the part of the coach Felipão, but Brazil has potential… Yes, because Brazil has several clubs and within these there are several professional football in the area,” pahayag ng football fanatic na si Adeilton Veira De Araújo.

Dagdag pa nito, “Brazil has the potential yes, that is a fact and we’re hoping so, we Brazilians enjoyed soccer so we continued watching the games because we love football in Brazil.”

Marami sa mga Brasilero ang sumuporta para sa team Germany kumpara sa Argentina na matagal na ring katunggali ng Brazil.

Naniniwala rin ang maraming football fans na magiging positibo ang standing ng Brazil national team sa mga susunod na laro. Ito ay sa kabila ng mga lumabas na balita na magre-retiro na rin ang kanilang number one goal keeper na si Julio Cesar. (Roland Lajara / Ruth Navales, UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481