Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

17 sugatan sa bumaliktad na jeep sa Maynila

$
0
0

Mahigit sa sampung pasahero ang naisugod sa ospital matapos masaktan at masugatan sa pagbaliktad ng sinasakyang jeep sa Blumentritt, Maynila noong Linggo, Hulyo 13, 2014 (UNTV News)

MANILA, Philippines — Labing-limang pasahero ang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center matapos masaktan at masugatan sa pagbaligtad ng sinasakyan nilang jeep sa Pampanga Street, corner Rizal Avenue sa Blumentrit Maynila, Linggo ng gabi.

Dinala din sa ospital ang dalawang pulis na sakay ng mobile patrol na unang nabangga ng jeep bago sumalpok sa center barrier at saka bumaliktad.

Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, mabilis ang takbo ng jeep.

“Yung isang ho talagang tumilapon eh, pagbagsak po yung likod yung tumama,” kwento ni Rodel Arevalo.

“Hindi na nila napigil yung preno tingnan mo bumaligtad sila yung lahat ng nandito pasahero nila lahat yun,” saad naman ni Sammy Juiz, barangay tanod.

Sinabi naman ng opisyal ng mga pulis na sakay ng patrol car na nagpapatrolya sila nang mabangga ng jeep.

“Sa pagkakatingin ko dun sa ating patrol kinayod, papasok sila ditto sinalubong sila,” ani Blumentrit PCP Deputy Commander P/Insp. William Lopez.

Mabilis namang tumakas ang driver ng jeep pagkatapos ng insidente.

“Sana dun sa driver ng jeep eh lumantad siya para mapanagutan naman niya yung mga nangyari sa mga biktima natin, tsaka paalala lang dun sa mga driver magdahandahan hindi yung laging nagmamadali,” saad pa ni Lopez.

Samantala, aalamin din ng mga awtoridad kung nakuhanan ng Closed Circuit Television Camera ang pangyayari na posibleng makatulong sa kanilang imbestigasyon. (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481