Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Protesta vs. PDAF scam, idinaan na din sa musical play

$
0
0

Ang musical play na protesta vs. PDAF scam na pinamagatang Kleptomaniacs.  (UNTV News)

MANILA, Philippines — Idinaan na rin sa pamamagitan ng isang musical play ang protesta laban sa mga katiwalian na kinasasangkutan ng ilang opisyal ng gobyerno.

“Maghihintay ako buong araw o magdamagan hanggang makausap ko kung sino ang kailangan mgmamakaawa ako hanggang sa pagbigyan munting kahilingan para sa ating kinabukasan.”

“Pupunta pa sa munisipyo hihingi ng tulong lahat sila parang adik na mga lulong.”

Ilan lamang ito sa mga linya sa bukod tanging pagtatanghal ng pagpapahayag ng saloobin ng isang sikat na direktor sa teatro na pinamagatang “Kleptomaniacs”.

Ayon kay Nanding Josef, artistic director ng Tanghalang Pilipino, bunsod ito ng sunud-sunod na isyu ng pagkasangkot ng mga opisyal ng gobyerno sa maanomalyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Layunin ng naturang pagtatanghal na muling gisingin ang kamalayan ng mga Pilipino sa pagpili ng mga karapatdapat na pinuno ng ating bayan.

“After seeing this na ganito pala ang nagyayari sa mga taong pinangakuan na iaangat ang buhay habang nanganampanya hanggang ngayon ganito pa rin ang kanilang kondisyon,” pahayag ni Josef.

“Dapat mas matuto taung mamili kung sino talaga ang may puso ag may utak para sa totoong mga mahihirap,” dagdag pa nito.

Ang musical play na Kleptomaniacs ay nagpasimula kahapon, Linggo at isasagawa tuwing Biyernes hanggang Linggo sa buwan ng Hulyo sa Tanghalang Aurelio Tolentino ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay City. (Mirasol Abogadil / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481