PAMPANGA, Philippines — Pangkaraniwan ng senaryo na sa tuwing sumasapit na ang panahon ng tag-ulan ay nalulubog sa tubig baha ang lalawigan ng Pampanga.
Ngunit ngayon, ipinahayag ng Angeles city DILG na 80% nang handa at patuloy pa rin ang ginagawang paghahanda ng mga komunidad ng Angeles at iba pang bayan sa Pampanga sa pagdating ng mga bagyo at maging sa pagresponde sa mga kalamidad ngayong tag-ulan.
Ngayon at isa ang Central Luzon na dadaanan ng bagyong Glenda masusubukan kung epektibo ang ginawang preparasyon ng lokal na pamahalaan ng Angeles city.
Ayon kay Angeles city Director Remedios Rodriguez, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga sangay ng pamahalaan na may kinalaman sa disaster preparedness.
Alinsunod na rin sa ito sa Republic Act 1021 o DRRM act at maging ng climate change adaptation.
“We advise the DRRM Council and the DRRM office at tsaka close coordination kami”, ani Rodriguez.
Functional at oraganisado rin ang DRRM Council ng siyudad ayon na rin sa ginawang pagsusuri ng DILG sa lokal na pamahalaan
“Kahit na wala pa kaming directive from the DILG talagang prepared na. They are doing the ano na, nag-iinitiate na”, dagdag ng direktor.
Idinagadag pa ni Rodriguez na kahit na wala pang ipinadadalang direktiba ang DILG ay sinimulan na nila kaagad ang kampanya sa disaster preparedness dahil sa kanilang naranasan sa bagyong Ondoy at Yolanda.
“Kailangan natin din iyong mga list ng mga sectors ng mga tao na wala sila. Yung mga listahan ng mga pregnant women, infants, elderlies, PWDs, kasi kailangan natin ito, para halimbawa iyong evacuation, ma-identify natin kung sino iyong uunahin mo.”
Maging ang database ng Angeles government ay nakahanda na upang kung magkaroon ng kalamidad ay malalaman kaagad ang mga taong dapat na unahing tulungan at ilikas sa mga ligtas na lugar. (UNTV News)