Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Visa extension ng mga turistang Pilipino sa Thailand, pinaikli sa pitong araw na lamang

$
0
0

Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose (UNTV News)

BANGKOK, Thailand — Kung noon ay maluwag pang nakalalabas ng hanggang walong beses sa land borders ang mga Pilipino upang makakuha ng15 days tourist visa extension, ngayon ay apat na beses na lamang.

“There is a new policy noh. Immigration policy. For Filipinos, their visa has been shortened to 7 days and they can only renew it up to 4 times on the 5th time they have to exit the country using the international airports. For renewals, they have to use visa run sa mga boarders with Laos, for example”, pahayag ni DFA Spokesperson Asec. Charles Jose.

Kaugnay nito, nagpalabas na ng advisory ang embahada ng Pilipinas sa mga Pilipino tungkol sa bagong polisiya.

Nakikipag-ugnayan na rin ito sa Thai foreign ministry upang maibalik sa dati ang pribilehiyo ng mga Pilipino.

“Siguro ibalik yung tulad nung dati, like 15 days kasi inigsian nila. So ibig sabihin mas frequent yung punta nila sa boarder for renewal ng visa run”, dagdag ni Jose.

Karaniwang gumagastos ng 800-900 baht o 1,000 to 1,300 pesos na pamasahe papunta sa land borders para sa renewal ng mga visa run sa anim na oras na byahe.

Aabot ng hanggang 3,200 baht o 4,200 pesos kada isang buwan kung tuwing ikapitong araw ay magbibyahe upang makakuha ng extension.

“Kung mag-eexit po kayo, mas maganda yung thru plane na lang, kasi sa land travel, hindi sigurado kung matatanggap kayo ng immigration pabalik ng thailand”, ani Erwin Sugaran na isang guro. “Kasi sa plane, pagbalik ninyo sa Thailand, mayroon kayong one month to stay in Thailand. At within one month na yun, pwede po kayong magbooking na lang sa plane para mas mura ang presyo.”

Sa tala ng embahada noong nagdaang taon, umaabot sa tatlo hanggang apat na libo ang undocumented Filipinos dito sa Thailand o yung tourist visa lang ang hawak. Sila ang nangangailangang dumaan sa visa run para lang makakuha ng extension. Ilan sa mga ito ay nagtatrabaho bilang kasangbahay, construction workers at mayroon ding mga guro. (Marje Navarro, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481