Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ilang senador, iba’t -iba ang reaksyon sa speech ni Pangulong Aquino noong Lunes ukol sa DAP

$
0
0

“Excuse me, iba po ang DAP sa PDAF..” — President Benigno Aquino III (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nauunawaan ni Senador Grace Poe ang pagkadismaya ni Pangulong Aquino sa ruling ng Korte Suprema ukol sa Disbursement Acceleration Program o DAP.

Nguni’t ayon kay Poe, dapat manaig ang Korte Suprema na ang konstitusyon ay kailangang sundin.

Sinabi rin ni Senator Poe na hindi dapat masamain kung i-apela ng pangulo ang ruling ng Supreme Court dahil karapatan naman niya ito bilang pangulo ng bansa.

Ayon naman kay Senador JV Ejercito ng minority bloc, paglabag sa konstitusyon ang DAP.

Ikinalulungkot din nito na tila hinahamon ng punong ehekutibo ang Supreme Court sa desisyon nitong unconstitutional ang DAP.

Dagdag pa nito, magkaiba man ang DAP at PDAF, dapat na ipakita ni Presidente Aquino ang kanyang paggalang sa Saligang Batas.

Ayon naman kay Senador Bam Aquino, ipinaliwanag ni Pangulong Aquino kung bakit ang DAP ay hindi lamang legal kundi mahalaga na mabigyan ng benipisyo ang sambayanan.

Umaasa rin si Aquino na bibigyang konsiderasyon ng Supreme Court ang pahayag ng pangulo at patuloy na pag-aaralan ng mga mamamayan ang isyu at hindi magpadala sa mga taong gustong lituhin ang publiko.

Naniniwala naman si Senador Chiz Escudero na bagamat may pagtutol ngayon ang punong ehekutibo sa ruling ng korte, sa kalaunan kapag ito ay pinal na ay susunod na rin ang pangulo kahit na hindi siya ayon sa desisyon.

Para naman kay Senador Sonny Angara, malinaw lamang na may demokrasya sa bansa  at patunay ito ng hindi pagkakasundo ng pangulo at Supreme Court.

“Kung makikita natin sa mga nagdaang taon, talagang ganun ang relasyon ni Pangulong Noy sa Supreme Court. Kung baga masasabi nating may love team relationship at essence ng democracy natin.”

Naniniwala si Senador Angara na malawak ang kapangyarihan ng pangulo na gamitin ang savings sa budget ng pamahalaan sa ibat-ibang sanghay ng gobyerno ngunit matapos na maglabas ng desisyon ang Korte Suprema sa DAP, malinaw na  may limitasyon ang nasabing kapangyarihan ng president.

Ayon naman kay dating Senador Joker Arroyo, kinukwestyon ng presidente ang kapasidad ng mga mahistrado ng Supreme Court. Kung hindi naniniwala ang presidente sa Korte Suprema ay sino pa ang maniniwala rito.

Sinabi naman ni Senador Cynthia Villar, naiintindihan niya ang paliwanag ng pangulo na gamitin ang DAP para pasiglahin ang economic activity sa bansa dahil malaki ang maitutulong ng government spending sa pag-unlad ng ekonomiya.

Ipinahayag naman ni Senador Nancy Binay, trabaho lang ang ginawa ng Supreme Court at walang presonalan. Umaasa itong hindi mauuwi sa awayan ng ehekutibo at hudikatura ang ginawang pahayag ng pangulo nung Lunes. (Bryan De Paz, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481