Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sen. Estrada, pinayuhan ang administrasyon na magpasakop sa desisyon ng Korte Suprema

$
0
0

Senator Jinggoy Estrada (UNTV News)

MANILA, Philippines — “Wag na tayong magmatigas. We just have to accept verdict of the Supreme Court, because I believe that is the last bastion of democracy, pagkatapos na magdesisyon ang Supreme Court, kanino pa ba tayo aakyat? Wala na.”

Ito ang payo ni Senador Jinggoy Estrada kay Pangulong Benigno Aquino III sa panayam kanina pagkatapos ng kaniyang bail hearing sa Sandiganbayan.

Sinabi ng senador na kahit hindi sang-ayon ang administrasyon sa naging desisyon ng Korte Suprema na  unconstitutional ng Disbursement Accelaration Program (DAP), kinakailangan nitong sumunod.

“They will have to respect it. I hope hindi mag-clash yung executive at judiciary to avoid further crisis. Dapat magtulungan yung 3 sangay ng gobyerno kasama yung legislative branch of government.”

Ayon kay Sen. Estrada, napanood niya noong Lunes sa isang common area sa PNP Custodial Center ang talumpati ng pangulo tungkol sa DAP.

Hiling ng senador na sana ay huwag nang magkaroon ng banggaan ang ehekutibo at hudikatura dahil ang taumbayan ang lubos na maaapektuhan.

Naniniwala rin ang senador na dapat managot ang Commission on Audit sa hindi nito pag-aaudit sa DAP na nag-umpisa pa noong 2011.

Samantala, hindi naman natuloy na maisalang sa korte ang unang witness ng special prosecutor na si Atty. Vic Tagura Escalante sa bail hearing ni Sen. Estrada dahil hindi pa tapos ang pagmamarka sa lahat ng mga dokumento at ebidensyang gagamitin nito sa korte.

Binigyan din ng hanggang Biyernes ng korte ang special prosecutors upang maisumite ang listahan ng mga witness at kanilang judicial affidavit para sa bail hearing.

Nakatakda naman sa susunod na Martes ang muling pagdinig ng 5th division Sandiganbayan kaugnay ng kahilingan ni Senador Estrada na makapagpiyansa sa kasong plunder. (Rosalie Coz, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481